Jump to content

Vicipaedia:De Latinitate/tl

E Vicipaedia
Ito ang salinwikang Tagalog ng pinagkuhanang pahina (ayon sa rebisyon bilang 2777387[diff]).
M. Tullius Cicero, modelo ng Ginintuang Latinidad.

Ito ang ensiklopedyang Latin, ganoon pa man ay dapat nakasulat ang mga artikulo sa Latin (na ang ibig sabihin ay magandang Latin).

Malayang makipag-usap sa alin mang wikang nais mo sa mga usapang pahina, sa iyong pahinang pang-tagagamit, sa Taberna o Kapihan, o sa aming Embahada.

Minsan ay makikita mong mayroong Ingles sa aming mga pahinang pampatakarang Vicipaedia, sapagakat malakawang nauunawaan ang Ingles sa mundo.

Pagkakabura (at kung paano iyon maiiwasan)

[fontem recensere]

Kinakaharap ng mga pahinang hindi nakasulat sa Latin ang pagkakabura.

  1. Hindi Latin ang mga wikang Romanse. Kung nais mong magbigay ng kabatiran sa wikang Espanyol, halimbawa, sa halip ay mag-edit sa Espanyol Wikipedia.
  2. Hindi madali ang Latin. Hindi makapag-sasagawa ng katanggap-tanggap na Latin ang mga programang pangsalinwika.
  3. Ang mga pahinang walang saysay, o ang Latin na lubhang di-maganda, ay maaari ring mabura.

Kaya, kung nakapag-sulat ka ng pahinang lubhang di-maganda ang Latin, o ginamitan ng programang pangsalinwika, huwag dumaing kapag binura iyon.

Kung hindi ka nakakapagsulat sa Latin, idagdag mo ang la-0 sa iyong kahong pang-Babel sa iyong usapang pahina. Kapag nagsusulat ka ng Vicipaedia na artikulo baga ma't hindi pa kagalingan ang iyong Latin, idagdag ang suleras o padrong "beginner" {{tiro}} sa bandang itaas. Kung gagawin mo ito, makikita mo ang ibang mga tagagamit na malugod at masaya sa pagbibigay ng oras at pagsisikap sa pagtulong sa iyo.

Mga pangalang pantangi

[fontem recensere]
Para sa iba pang mga detalye, tingnan ang pagsasalinwika ng mga pangalang pantangi
  1. Bilang pangkalahatang patakaran, naka-Latin ang mga unang pangalan; nananatiling di-binago ang mga apelyido.
    Ang ibig sabihin ng "pagsasa-Latin" ay paglilipat ng pangalan sa katumbas na anyong Latin kung mayroon man: kaya ang Ronald ay magiging Ronaldus.
  2. Ang mga pangalang pang-lugar ay gagawing Latin kung mayroong pangalang Latin ang isang lugar (sinauna, medyebal o moderno). Tingnan ang sanggunian para sa mga pangalang Latin na mga lugar para sa tulong sa paghahanap ng mga iyon. Kung wala man naging pangalang Latin, huwag subukang mag-imbento; gamitin ang kasalukuyang pangalang pang-heograpiko.
  3. Kung, sa isang teksto ng isang artikulo, kailangan mong gamitin ang pangalang hindi Latin, isulat iyon nang naka-italic.
  4. Isinasalintitik ang mga pangalang Griyego sa Latin gamit ang nakaugaliang sistemang Romano (mga detalye narito). Sa pagsasalintitik ng iba pang mga sulatin, tingnan ang Pagsasalintitik.

Maganda at di-magandang Latin

[fontem recensere]

Gumagamit kami ng mga suleras o pardon sa pagbibigay-suri ng Latin sa mga pahina ng Vicipaedia.

  1. Ang mga antas ng pagka-Latin ay ginagamit upang bigyang-suri ang kabuuan ng mga pahina para sa maganda o di-magandang Latin.
  2. Ang {{tiro}} ay idinaragdag ng mga baguhan sa mga bagong naisulat na pahina bilang isang paghiling ng tulong sa kanilang Latin.
  3. Ang {{dubsig}} ay binibigyang-tanda ang isang salitang may pag-aalinlangan sa Latinidad o pagka-Latin.
  4. Ang <ref>{{Fontes desiderati}}</ref> ay idinaragdag kapag kailangan ng pangalang pantanging Latin ng sanggunian upang bigyang-patunay iyon.

Mangyaring tumulong upang mapabuti pa ang Latinidad ng Vicipaedia! Saka, sa bandang itaas ng kahit na anong pahina na higit na mahaba pa sa usbong (stub), tiyaking nabigyang-tanda ang angkop na antas:

  • {{L1}} = Magandang Latin (pakitama ang mga natitirang mali)
  • {{L}} = Pagka-Latin ay hindi pa napatotohanan (pakibago ito sa isa sa mga ibang antas)
  • {{Latinitas|-1}} = Latin na pabubutihin pa
  • {{Latinitas|-2}} = Kaduda-dudang pagka-Latin
  • {{Latinitas|-3}} = Lubhang kaduda-dudang pagka-Latin
  • {{Latinitas|-4}} = Di-magandang Latin
  • {{Latinitas|-5}} = Lubhang di-magandang Latin

Maaari mong makitang binigyang-tanda nang ganoon ang mga lista ng mga pahina:

Sa tuwing gagawa ka ng bagong pahinang hindi na usbong, pakidagdag ang isang Latinidad na nagbibigay-tanda sa bandang itaas. Hindi dapat idagdag ng tagalikha ang {{L1}}: iwanan iyon upang gawin iyon ng susunod na tagapatnugot. Bilang tagapatnugot, mangyaring idagdag ang {{L}}; o, kung tiyak mong hindi maganda ang Latin, idagdag ang higit na mababang antas kagaya ng {{Latinitas|-2}}.

Tingnan pa

[fontem recensere]